Sampung Pangarap ng mga Magsisipagtapos

Sampung Pangarap ng mga Magsisipagtapos

Ann Mylacette Merjudio


Cast:

Una –

Ikalawa –

Ikatlo –

Ikaapat –

Ikalima –

Una: Naririnig mo na ba ang mga hiyawan? Ang mga palakapakan at ang tugtog ng kantang pang-marstya kasi eto na yun, eto na talaga, ga-graduate ka na!

Ikalawa: Ito na yung pinakahihintay mo! Pinakahihintay nating lahat! Oo nating lahat! Aminin mo, hinding hindi ka na mapakali kasi eto na at mamarstya ka na!

Ikatlo: Goodbye College of Education! Goodbye UST! Goodbye, goodbye, good friends goodbye! Pero Bago ka magtapos, may mga pangarap ka muna ngayo’t PST ka na.

Ikaapat:  Una na lamang ay ‘Sana naman, matuloy tuloy na itong Overnight na matagal niyo nang pinlano!’ Oo may baby pa rin sa klase pero atat na atat ka na. Pinapangarap mo ng makitang malasing at makatulog ng bigla ang isa sa inyo, mahulog sa kabusugan at mahilo sa palaro ang mga tahimik at may finesse.

Ikalima: ‘Paaminin ang mga sikretong relasyong ayaw i-spill’ Yung totoo, obvious na obvious na deny pa rin?! 4th year na tayo, halata naman na! Pati professor mo sa major, nakikisali na oh! Umamin na!

Una: ‘May pag-asa pa kayang manligaw si Andrew Chanco?’ Aminin mo, pumasok na sa isip mo kung darating bas a point na makilala ni Koya ang turning point niya. Aruy, sana huwag niya akong ipako sa krus!

Ikalawa: ‘Matiis at mapaghandaan ang mga malulupit na estudyante ng EHS’ Oo ang OA ko. Pero sa tuwing magkukwento si Sir Santiago, parang Spartans ang haharapin ko sa EHS. Nakakatakot. Nakakakaba. Sana ma-impress ko sila.

Ikatlo: ‘Abusuhin ang Elevator Privileges’ Hindi ko alam kung saan pa ulit ako makakagamit ng Elevator tuwing papasok. Habang PST, eto na ito! Kahit masama at maitim itong binabalak ko. Eenjoyin ko itong elevator! Kahit magalit at magsawa sa akin si Ate.

Ikaapat: ‘Lord, DL. Please. Kahit isa lang, i-DL mo na ako.’ Nasa DIyos ang awa at nasa tao ang gawa. Gia, mamigay ka! Huwag kang buraot please naman. Para sa’n ang friendship?

Ikalima: ‘Graduation Picture!’ Eto yung pinagninilayan ko kung ano’ng creative shot ang gagawin ko. Dapat Unique! Dapat Astig! Dapat kakaiba kaso huhuhu, ang hirap mag-isip! Ang hirap…ang hirap naman kapag gagraduate.

Una: ‘Makapag-dorm.’ Ramdam niyo yung pagod? Ramdam niyo yung inggit ko sa kanila? Ramdam niyo yung hirap? Kahit isang sem lang, papaya ako, para lang makapag-dorm. Excuse me, may reason ako ah. Ma, Pa, PST po at thesis, please?

Ikalawa: ‘Classroom Management’ Hindi ko alam kung paano ko talaga haharapin ang mga magiging estudyante ko pero ito lang masasabi ko; Sana hindi ako itumba ng kaduwagan at kaba. Alam ko naman ituturo ko eh, napag-aralan naman sa Principles at Assessment yan ah! Eh, eh bakit ganito?! Scary!

Ikatlo: ‘Grumaduate’ Sana totoo na ito. Tapos na ang pagdurusa ko sa CurrDev, sa major, sa ETAR, sa SOCSTED, kay Ma’am, kay Sir. Sana Ito na ito! Sana, makapasa ako. Alam kong makukuha ko. Alam kong makukuha mo. At alam  kong kaya natin ito.

Ikaapat: : Ito na yung pinakahihintay mo! Pinakahihintay nating lahat! Oo nating lahat! Aminin mo, hinding hindi ka na mapakali kasi eto na  at mamarstya ka na!

Ikalima: Sampung Pangarap ng mga Magsisipagtapos ni Ann Mylacette Merjduio